Thursday, November 09, 2006

Survey Form for Kids' Love for Reading from SAS

Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba at isipin kung ito ay NAGLALARAWAN SA IYONG INIISIP AT NARARAMDAMAN. Lagyan ng TSEK ang hanay ng inyong sagot.

Halimbawa:

Sabi ng pangungusap: “Gusto kong kumain ng pansit.” Kung hindi mo gusto ang pansit, maglagay ng tesk sa hanay ng “HINDI”. Kung minsan gusto mo ng pansin, maglagay ng tsek sa hanay ng “MINSAN”. Kung gusto mo kumain ng pansit, maglagay ng tsek sa hanay ng “OO”. Pumili lang ng ISANG sagot.

HINDI

MINSAN OO, MINSAN HINDI

OO

1. Gusto kong kumain ng pansit.

2. Nasisiyahan akong magbasa.

3. Magbabasa lang ako kung kailangan para sa eskwela.

4. Hindi ko gusto maging kaibigan ang batang basa ng basa.

5. Ang pagbabasa ay makakatulong sa aking pag – aaral.

6. Tinatamad akong magbasa.

7. Mas marami akong matututunan sa TV o sa ibang tao kaysa sa libro.

8. Marami akong ibang mas gusting gawin kaysa magbasa.

9. Ang pagbabasa ay makakatulong sa akin maging mas mabuting tao.

10. Ang pagbabasa ay balakid o nagpapahirap sa aking mga Gawain sa eskwela at bahay.

11. Sayang ang pera kung sa libro lang ito gagastusin.

12. Mas masisiyahan akong makatanggap ng laruan kaysa libro bilang regalo.

13. Isa sa mga paborito kong gawain ang magbasa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home